Make your own free website on Tripod.com


an article from Manila Bulletin, 29 October 1998

How true kaya na balak daw ilipat ng araw at timeslot ang "Anakarenina"? Pinag-iisipan daw ng production staff ng Viva for Television na gawin na itong daily soap opera kapalit ng "Halik sa Apoy."

Malapit nang matapos ang naturang programa na napapanood sa GMA-7 at 7 p.m. Kung matutuloy ang balak na ipalit dito ang "Anakarenina," magkakaroon ng mas magandang exposure ang apat na love teams dito na ibini-build-up ng Viva Films...sina Dingdong Dantes at Antoinette Taus; Polo Ravales at Sunshine Dizon; Dino Guevarra at Kim delos Santos; Chubi del Rosario at Anne Curtis.

Tampok din ang mga bagets sa pelikulang ginagawa nila ngayon, "Honey My Love, So Sweet" na year opener ng Viva sa 1999. Bale, magsisilbing launching ito ng apat na love teams. Maganda!