Make your own free website on Tripod.com


an article by Rowena Agilada, Manila Bulletin, 11 March 1999

NAGKAROON ng friction between Kim de los Santos and Antoinette Taus noong last taping day ng huli sa "T.G.I.S." Ang kuwentong nakarating sa amin, naimbiyerna si Kim kay Antoinette dahil magti-take na sila'y sige pa rin ang pakikipag-usap nito kay Dingdong Dantes.

Kim was quoted as saying na tawagin na lang daw siya kapag tapos nang mag-usap ang dalawa. Dahil parehong mainit ang ulo, nagkasagutan sina Antoinette at Kim noong nagkaroon sila ng confrontation.

Inamin ito ni Kim pagkatapos ng open forum noong presscon ng "Honey My Love So Sweet" na ginanap sa Viva office. Ayon kay Kim, pagod siya that time at iritable dahil galing siya sa school. Pero nagkaayos din sila ni Antoinette pagkatapos nilang mag-usap na dalawa lang sila sa loob ng bathroom sa eskuwelahang pinag-teypingan nila.

Kaya lang, noong presscon ng movie nila, hindi nagpapansinan sina Antoinette at Kim and the latter told us na although nagkaayos na sila ni Antoinette noong taping ng "T.G.I.S.," kumbaga, di pa talagang ayos na ayos 'yon. "It takes time to heal the wound. 'Andu'n pa ang pain," she says.