Make your own free website on Tripod.com


an article by Rowena Agilada, Manila Bulletin, 11 March 1999

Idininay naman ni Antoinette na nagkaroon sila ng friction ni Kim. Para bang takang-taka pa siya nang tanungin ito sa kanya.

Wala raw siyang natatandaang ganoong insidente. Di na tuloy kami nagkainteres na interbyuhin pa si Antoinette. Inamin na nga ni Kim na nagkasagutan sila, eh!

Sinabi rin ni Dingdong na nagkaroon nga ng misunderstanding ang dalawa. Tinanong din namin si Polo Ravales at pinatotohanan nito ang naganap na insidente kina Antoinette at Kim.

Pero ayaw niyang makialam sa isyu dahil hindi naman daw siya involved doon. Si Dino Guevarra naman ay patawa-tawa lang na obviously, alam din niya ang totoong nangyari dahil magkakasama sila sa taping ng "T.G.I.S."