Make your own free website on Tripod.com


an article by Rowena Agilada, Manila Bulletin, 14 February 1999

Today is Valentine's Day at gustuhin man ni Dingdong Dantes na maging special date niya si Antoinette Taus, no way 'yon sa daddy nitong si Mr. Taus. Matagal pa ang V-Day, kinausap na ni Dingdong si Mr. Taus at ipinagpaalam niyang gusto sana nilang lumabas ni Antoinette.

Unfortunately, hindi pinayagan ni Mr. Taus ang kanyang dalaga. Pero siguro naman, okey lang sa daddy ni Antoinette na bigyan siya ng Valentine gift ni Dingdong. Ni-request lang nito na huwag naming isulat kung ano 'yon.

Wish nga ni Dingdong, sana'y matanggap na ng parents ni Antoinette ang panliligaw niya sa dalaga dahil malinis ang intensiyon niya rito. Sabi pa ni Dingdong, handa niyang ipaglaban ang panliligaw niya kay Antoinette to a point na kahit masaktan pa siya. Mala-Romeo and Juliet, huh!

Oh yes, nasabihan na niya ng ''I love you'' si Antoinette ayon kay Dingdong. Kaya lang, hindi pa siya nakakaakyat ng bahay nina Antoinette para formal itong ligawan dahil ipinagbabawal pa 'yon ng parents ng dalaga.

Hanggang tawagan lang sila sa telepono at may limit pa ang oras. Hanggang 11 p.m. lang puwedeng tumawag si Dingdong kay Antoinette. Kundi sila nagtatawagan sa telepono, nag-te-text naman sila sa kanila respective cellphones.

Incidentally, ''TEXT'' na ang title ng bagong suspense-thriller program na tinatampukan ni Dingdong kasama sina Aiko Melendez, Bobby Andrews, Kim delos Santos, Dino Guevarra, Ciara Sotto, Anne Curtis, Chubi del Rosario, Mariel Lopez at Aiza Marquez. Di kasi nagustuhan ng GMA-7 ang title na ''Sumigaw Ka.''

Ang ''TEXT'' ay sa direksiyon ni Jay Altarejos at mapapanood ito every Tuesday starting Feb. 16 at 9 p.m.