Make your own free website on Tripod.com


an article by Nora Calderon, Moviestar Magazine, 24 February 1999, p. 28

Dinalaw namin si Antoinette Taus sa taping ng TGIS para linawin ang issue na kaya raw hindi siya nakasali sa bagong show ng GMA-7 ay dahil sa tutol ang daddy niya sa masyadong sweet nang relasyon nila ngayon ni Dingdong Dantes, ang kanyang ka-love team sa Viva Films.

"That's not true, walang kinalaman si Dingdong sa pagtanggi ng Daddy ko na hindi ako pasamahin sa bagong TV show na Sumigaw Ka," sabi ni Toni. "Pagdating sa profession ko, walang kinalaman iyong dapat si Dingdong lagi ang kasama ko. Ang daddy ko, tumatanggap siya kahit nandoon si Dingdong basta gusto niya. Naging problema ko ngayon, I've been so busy. Madalas akong mag-guest sa SOP, may TGIS pa ako, may Anna Karenina, may pelikula pa akong ginagawa, may Eat Bulaga pa, rehearsals at recordings. Sobrang dami na talagang ginagawa ko, baka hindi ko na makayanan."

"Ayaw niyang lagi akong mapuyat at mapagod dahil baka magkasakit pa ako, saka ang studies ko, baka mapabayaan ko. Twice a week na nga lamang ako pumapasok, tiyak na maaapektuhan talaga ang grades ko."

Nag-usap na ba sina Dingdong at ang daddy niya?

"Oo, kung minsan nga seryoso pa ang pag-uusap nila. Madalas sa set ng movie, although hindi na siya sumasama sa akin sa taping, minsan, kapag naggi-guest ako sa Eat Bulaga, sumasama siya, nagkakausap sila ni Dingdong. Ako naman, palagay na ang loob ko kay Dingdong, although ang daddy ko kahit sinong lalaki, ayaw niyang maging malapit ako, but he trusts me naman in my decisions. Alam niyang hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko."

"Di ba't sinabi ko rin, I want to wait, ayaw kong talikuran ang magulang ko dahil I ended nga telling them everything, lalo na sa mommy ko. Halimbawa may sekreto ako, wala pang isang araw at feel kong hindi ko na kaya, sasabihin ko sa kanya: 'Mommy, may sasabihin ako sa iyo,' sinasabi ko na dahil ang konsiyensiya ko, hindi ko na kaya. I guess that makes them trust me more dahil wala akong itinatago."

Nalungkot ba si Dingdong nang hindi siya makasama sa Sumigaw Ka?

"Nalungkot siya at sana raw sumali na rin ako. Nalungkot din ako dahil maganda iyong may bago kang show, pero I understand din naman what my Daddy wants dahil it's really hard na araw-araw may ginagawa ako, mga puyatan. Ngayon pa nga lang, nahihirapan na ako dahil halos wala na talaga akong pahinga."

Aware na ba ang daddy niya na nanliligaw sa kanya si Dingdong?

"Obvious naman sa daddy ko, alam na niya, may hint na siya. Pero si Dingdong naman, hindi siya iyong pormal na nanliligaw na sinasabi niyang 'I'm courting your daughter.' Mini-maintain pa rin niya iyong friendship namin, iyong he tries to make our relation on a friendship level dahil alam niyang hindi pa nga papayag ang parents ko. Malapit na naman akong mag-eighteen. At 18, puwede na akong ligawan nang pormal pero iyong makipag-boyfriend, ayaw nila akong bigyan ng edad."

Ano naman ang sabi ng Mommy niya tungkol kay Dingdong?

"My Mom is very open on this kind of thing dahil gusto rin niyang ma-enjoy ko ang teenage life dahil it comes only once. Kung minsan, sumasama siya sa akin dahil hindi naman kami puwedeng lumabas na kami lang ni Dingdong o kahit may kasama kaming kaibigan, nagtitiyaga siyang samahan ako sa mga gimik namin, and I don't mind naman."

Okay lang daw naman sa mommy niya ang panliligaw ni Dingdong pero ayaw niyang magkaroon siya ng boyfriend at this time.

Paano niya ire-rate si Dingdong as a friend and as a suitor?

"As a friend, puwede na siguro ang 9. Minsan kasi, as a friend, sobra siyang bait na parang lahat gusto niyang pagbigyan kaya parang inaabuso na ang kabaitan niya. As a suitor, although hindi pa naman todo-todo ang kanyang panliligaw, perfect 10. Hindi naman iyong sa pagbibigay niya ng mga things, what is important ay iyong pagbibigay niya ng time sa akin. Lahat ng free time niya, Diyos ko, kulang na lang pati na ang oras ng pagtulog niya, ibigay pa niya sa akin."

"Madalas kaming magkausap sa phone kung hindi kami magkikita sa isang araw, kung hindi naman kami magkakasama sa taping o shooting, he makes it a point na makita ako. Noong wala pa siya sa Anna Karenina, binibisita niya ako every Monday."