Make your own free website on Tripod.com


an article by Glenn Regondola, Moviestar Magazine, 17 February 1999, p. 31

Dapat sana ay kasama ni Dingdong Dantes ang ka-love team niya sa TGIS at sa pelikulang Honey, My Love, So Sweet ng Viva Films na si Antoinette Taus sa bagong horror-thriller ng Viva-TV na may tentative title na Sumigaw Ka.

Pero, sa first taping day nila ay hindi kasama si Toni at hindi na pala ito talaga part ng cast. Kaya inalam namin ito kay Dingdong.

"Ang alam ko ay kasama siya dati," kuwento niya. "Tapos hindi ko nga alam kung ba't siya hindi nakasama. HIndi ko pa rin natatanong kay Toni kung bakit. Pero ako, personally, I'd like her to be with us, di ba? Actually, no'ng in-offer ito, ang alam ko ay kasama talaga siya."

Ang balita'y may kinalaman dito ang daddy ni Toni, si Mr. Taus. Siya raw kasi ang nag-pull out mismo kay Toni sa cast.

Ang dagdag pang tsismis ay dahil sa naalarma na raw ito sa sobrang closeness ng dalawa. Bukod kasi sa nabanggit na pelikula at show, magkasama pa ito sa soap opera na Anna Karenina.

Anong say niya?

"Well, sa tingin ko ay hindi naman siguro 'yon aabot sa gano'n," paliwanag ni Dingdong. "Hindi naman gano'n kalala. I mean, hindi ito aabot sa ganu'ng extent na pati career ni Antoinette ay magsa-suffer. Hindi naman sapat na rason 'yun para pagbawalan siya o hindi na gawin ang Sumigaw. Siguro naman, they're wise enough to choose wisely to decide on things."

Sa kabilang banda, sa tingin kaya niya ay ito na ang senyales na dapat ay bawas-bawasan na nila ang sobrang closeness? Lalo na kapa off-camera?

"Sa akin ay hindi sapat," sagot niya. "Sa tingin ko naman, hindi 'yun makakasira, kundi it's for the better. Ako kasi, I enjoy her company. And I hope, gano'n din siya sa akin. At saka, fruitful naman ang pagsasama namin. Maganda naman ang reception ng mga tao. At walang problema sa aming dalawa."

Ano'ng move niya ngayon? Ngayong ipinapakita ni Daddy Taus ang pagiging overly protective niya kay Toni?

"Ini-expect ko na naman 'yan kahit no'n oa," wika niya. "Kahit no'ng akala ng lahat ay okay kay Mr. Taus ang loveteam naming dalawa. From the start ay naramdaman ko na 'yun. Mas mabuti pa na isipin na lang namin na pagandahin ang aming friendship. Kaming dalawa ni Toni. At kung puwede pati ng Daddy niya."

Sa totoo lang, meron ba siyang tensyong nararamdaman kay Mr. Taus?

"Meron, siyempre," pag-amin niya. "Pero, 'yun nga ang thrill do'n, eh. Maski na alam mong merong tensyon, tuloy pa rin."

Shift kami sa tsikang pang-Valentine's Day. Ano ba ang plano niya for Toni? O, ang plano nilang dalawa.

"Regalo," sabi niya. "Hindi ko pa alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya. Yung celebration, well, hindi namin planong dalawa kundi plano ko lang. Una kasi, hindi ko alam kung papayagan kami ng daddy ni Toni. Hindi ako sure. Plano ko, dinner lang. Sa isang overlooking na lugar. Hindi sa Antipolo. Merong place sa Pasig na gano'n."

Yung silang dalawa lang ang magdidinner?

"Oo, siyempre."

Paano kung hindi payagan si Toni ng Daddy niya?

"Actually, ipinagpaalam ko na siya," sambit niya. "Pero hindi kumibo ang daddy niya. Kung hindi, kahit merong taping o nasa bahay siya, gagawa ako ng paraan para maiabot ko ang gift ko sa kanya. Maski ipakibigay ko na lang sa iba. Basta maiabot ko lang. Masaya na ako no'n," pagtatapos niya.