Make your own free website on Tripod.com


an article by Lito Manago, Teen Movie Magazine, 25 February 1999, p. 9

Nalungkot si Dingdong Dantes dahil hindi kasama sa Sumigaw Ka (ang bagong show na ipapalit sa natigbak na Growing Up ng Viva TV) ang kanyang ka-loveteam na si Antoinette Taus. Mas magiging inspired daw kasi ang binata kung kasama niya sa set ang kanyang nililigawan.

Ano kaya ang reaksyon ni Dingdong nang malamang hindi kasama sa bagong show ang babaing nagpapatibok ng kanyang puso?

"Siyempre, malungkot ako dahil ini-expect ko rin na naroon siya. I was looking forward being with her in another show, siyempre, magkasama na rin kami sa Anna Karenina so, ini-expect ko na pati sa Sumigaw pero hindi pala."

"Pero alam ko namang baka in the near future, pumasok din siya. Malakas ang kutob ko na darating ang time na magkakasama rin kami. Kasi tiyak na hahanapin ng mga fans namin 'yung aming loveteam."

"Not for anything else but for the sake of our loveteam, di ba? Eventually, inaasahan kong makakapasok pa rin si Antoinette sa bago naming show," tila confident na pagbalita sa amin ni Dingdong.

Aware kaya ang poging binata ng Viva na kaya wala sa cast ng bagong show si Toni dahil diumano'y ayaw ni Daddy Taus (Tom Taus, Sr.) na makasama ng kanyang anak ang napapabalitang masugid na manliligaw ng dalaga?

"Hindi! Siguro personal reason. Meron talaga silang mga rason kung bakit hindi nila tinanggap 'yung show. But I don't think it has something to do with me, I mean, wala naman sigurong personal na intensiyon para ano - kumbaga, para sa kapakanan na rin 'yon ni Antoinette, di ba?

"Alam ko na bilang daddy ni Antoinette, alam niya kung ano ang makakabuti para sa kanyang anak. Father knows best, higit niyang alam kung anong dapat gawin para sa anak niya," pagtatanggol ni Dingdong sa daddy ni Toni.

Isa raw sa mga dahilan ay iniiwas lang ni daddy Taus na ma-over exposed ang kanyang anak dahil nga may dalawang TV shows na si Toni sa GMA-7.

"Puwede siguro but I don't think it's the reason. On my part, hindi ko iniisip 'yung over exposure. Wala sa isip ko 'yung ganu'n."

"As I've said, they have their own reason. Huwag na lang nating pakialaman, di ba? Kung anuman 'yung rason nila, hayaan na lang natin sa kanila 'yon."

"Basta't hindi ko na muna iniisip na wala si Toni sa bago naming show. Feeling ko talaga kasama pa rin siya."

"Tulad ng sabi ko, wala sa isip ko 'yung mga ganu'n. Iniisip ko na lang, she's fun to be with. Basta, I'm happy working with her. Tipong I really enjoy her company. Parang hindi na siya trabaho. And you're always looking forward to another working day with that someone," sabi ni Dingdong.

Nasaktan ba siya nang malamang wala sa set ang kanyang nililigawan?

"Tulad ng sabi ko, it's nothing personal. Wala naman...I don't think may reason kung bakit hindi pumayag. Saka ako mismo, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na rin itatanong pero alam ko naman that her dad is wise and professional enough to decide on what to do with his daughter."

"Ginawa niya 'yon dahil may dahilan, di ba? Alam niyang hindi mapapahamak si Antoinette, so kung anuman 'yung desisyon niya, it's for Antoinette. It's for the betterment of his daughter."

"Saka, parang in the end walang magsisihan. Parang ganu'n, di ba?" paglilinaw pa ni Dingdong sa amin.

May nabalitaan na rin ba siya na diumano'y balak na rin ni daddy Taus na tanggalin si Antoinette sa programang TGIS ng Siyete?

"Well, parang hindi!" very confident na pagkakasabi ng binata. "If it does happen, I will really feel bad."

"Masasaktan ako, I mean, ibang usapan na 'yon. But as far as I know, wala namang balak na ganu'n. Parang it won't happen. Malabong mangyari kasi ito 'yung show na pare-pareho naming mahal."

"I'm very confident that it won't really happen," eksplanasyon pa niya.

Hindi kaya may kinalaman din 'yung pagiging open niya sa pag-aadmit na nanliligaw na siya kay Antoinette?

"I don't think it has something to do with it," mariing pahayag ng aktor. "malabo at mababaw na dahilan 'yon. For sure, they have their own reason pero hindi dahil nanliligaw ako. Sobra naman 'yon."

"Mas may mabigat pang dahilan 'yon pero hindi ako naniniwalang 'yung pagiging open ko sa pagsasabing nanliligaw ako kay Antoinette. And in the first place, I know where I stand," tanging nasabi ng binata habang nagpapaalam sa amin.