Make your own free website on Tripod.com


by Rowena Agilada, Manila Bulletin, Entertainment Section, 10 June 1999

By next month, Judy Ann is leaving for the States para mag-show at sasamantalahin na rin niya ang pagsusyut ng "Lollipops and Roses" na si Eric Quizon ang direktor. Hindi na si Wowie ang kapareha ni Juday kundi si Dingdong Dantes na.

'Yan ang napagdesisyunan ng Viva Films dahil bukod sa "Esperanza (The Movie)" ng Star Cinema sina Juday at Wowie rin ang magkapareha sa "Ikaw Lang ang Mamahalin" na intended ng Crown Seven Ventures para sa 1999 Metro Manila Film Festival in December. Kumbaga, breaker lang sa kanilang love team ang pagtatambal nina Juday at Dingdong sa "Lollipops and Roses."

Nagkatrabaho na ang dalawa sa isang telesine na ginawa nila at okey naman ang kanilang chemistry, kaya si Dingdong ang naisip ng Viva na itambal kay Juday sa "Lollipops and Roses."