Make your own free website on Tripod.com


by Rowena Agilada, Manila Bulletin, Entertainment Section, 10 March 1999

Family decision at ang kanyang pag-aaral ang dahilan kung bakit nag-resign si Antoinette Taus sa "T.G.I.S." Nilinaw niyang hindi si Dingdong Dantes ang dahilan, na kesyo gusto siyang ilayo rito ng kanyang daddy.

Eh, di sana raw, inalis na rin siya ng daddy niya sa "Anakarenina" at "SOP" kung saan magkasama rin sila ni Dingdong. Noong Saturday pa ang taping ng "T.G.I.S.," hirap na rin si Antoinette dahil inaabot 'yun hanggang madaling-araw o kaya'y inuumaga na sila.

Eh, kinabukasan ay may "SOP" siya at live 'yon, kaya kahit puyat siya, kailangan niyang magpunta sa naturang program. Nang ilipat naman sa Wednesday ang taping ng "T.G.I.S." after class pa siya puwedeng mag-taping at inuumaga rin sila. Ang pag-aaral naman niya ang naapektuhan dahil napupuyat siya.

Personal choice ng daddy ni Antoinette si Dingdong para maging ka-love team niya, kaya ni-request nito 'yon sa Viva Films. Kung nag-desisyon man itong alisin si Antoinette sa "T.G.I.S.," nirerespeto 'yon ni Dingdong dahil alam niyang nothing personal 'yon.

Nalulungkot lang daw siya dahil mami-miss niya si Antoinette sa taping ng "T.G.I.S." Ilo-launch ang love team nina Dingdong at Antoinette sa pelikulang "Honey My Love, So Sweet" kasama ang dalawa pang love teams ng Viva teen barkada na sina Dino Guevarra at Kim delos Santos, Polo Ravales at Sunshine Dizon.