Make your own free website on Tripod.com


by Rowena Agilada, Manila Bulletin, Entertainment Section, 1 April 1999

Noong wala pa sa showbiz si Dingdong Dantes ay baduy ang impression niya sa mga taga-showbiz. Inisip daw niya noon na basta artista, parang ginagawa lang tanga dahil sa pagiging public property nito.

Ayaw niya talagang mag-artista noon, sabi ni Dingdong. Ang hilig niya talaga ay sumayaw, kaya nag-join siya sa Abztract Dancers. Allowance lang ang ibinibigay sa kanila noon pero okey lang 'yon sa kanya. "For fun lang. Enjoy ako sa pagsasayaw," ani Dingdong.

Noong may nag-alok sa kanyang mag-artista, napilitan lang talaga siya, ayon kay Dingdong. Subok lang 'yung pag-appear niya sa "TGIS." But before he knew it, hayun, nagtuluy-tuloy na siya sa naturang youth-oriented show.

Two years na si Dingdong sa showbiz at naiba na ang impression niya rito. "Depende pala sa artista kung magiging baduy ka o hindi. Marami nang nabago sa buhay ko. Sa showbiz ko natutuhan kung paano makitungo sa iba't ibang klase ng mga taong nakikilala ko. Natutuhan ko ring maging responsible sa mga ginagawa ko."

Tutol din noong una ang parents niya na pasukin niya ang showbiz. Pinayagan lang siya sa kundisyong hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral at kailangang ma-maintain niya ang matataas na grades niya sa school. Otherwise, pahihintuin siya sa showbiz.

Third year na si Dingdong this schoolyear sa San Beda College sa kursong Philosophy at HRD (Human Resource Development). Likewise, third year na rin ang ka-love team niyang si Antoinette Taus sa Ateneo sa kursong Political Science. Opening day on Saturday (April 3) ng movie nilang "Honey My Love So Sweet" kung saan kasama nila sina Dino Guevarra, Kim de los Santos, Polo Ravales at Sunshine Dizon.

Sana, kung ano'ng dami ng mga fans na nagpunta sa grand fans day ng Viva Teen Barkada sa Tondo Sports Complex last March 28 na nagkaroon pa ng stampede at maraming hinimatay at nasaktan, ipakita rin ng mga ito ang kanilang suporta sa launching movie ng tatlong love teams. Huwag naman 'yung hanggang tili lang ang kanilang mga fans.