Make your own free website on Tripod.com


an article by Chit Ramos, from the Manila Bulletin, Entertainment Section, 1 November 1998

Napatunayan ng ilang tagahanga ni Dingdong 'Inaki' Dantes na may pag-kasuplado nga ang katambal ni Antoinette Taus sa Growing Up.

''Patay-malisya lang siya kapag tinatawag namin. Parang walang naririnig, kahit kitang-kita niyang kilig na kilig kami,'' anila nang makita ito sa isang workshop kailan lang.

''Iba sina Dino Guevarra at Chubie del Rosario. Laging nakangiti at nakikikaway naman. Tuloy, nakaka-inspire,'' dugtong nila. Hindi naman namin sila ginugulo kapag nasa loob ng workshop room. Inaabangan lamang namin sila paglabas ng bahay. Pero, iyon nga, deadma talaga si Dingdong. Sayang, ang guwapo pa naman niya.'' patuloy ng mga ito.

Marami din ang nakakapansin na kapag nagge-guest si Dingdong sa SOP, kasama ang mga barkada niya sa Growing Up at Viva Films, eh, hindi siya nako-close up man lang.