Make your own free website on Tripod.com


an article by Archie de Calma, Teen Movie Magazine, 18 February 1999, p. 31

Sabi mismo ni Antoinette Taus, pagdating daw niya ng 18 years old ay doon pa lang siya magpapaligaw. Pero, mukhang mas napaaga yata, mangangahulugan din kaya 'yun ng maagang pakikipagrelasyon para sa young star?

"Ideally, 'yun naman talaga ang gusto ko, around 18 years old, I can openly accept suitors. Pero, alam mo, understanding ang parents ko pagdating sa bagay na 'yan. You can't stop naman these gusy from making ligaw, huwag lang 'yung parang pinaaasa ko pa sila."

"Nanligaw na sa akin si Gabby (Eigenmann), pero wala rin. Talagang naka-set ang mind ko sa iba pang priorities. Ngayon, okey kami i Dingdong (Dantes), nanliligaw siya sa akin, pero naka-hang pa rin ang sagot ko at hindi totoong sinagot ko na siya," pagdidiin ni Toni.

Sa ganitong pagkakataon, mahirap talaga 'yung magse-set ng takdang panahon para sa ligawan o pakikipag-boyfriend.

"Siyempre, ang sabi ng parents ko, kahit nga raw 18 years old na 'ko, hindi pa rin dapat na basta na lang ako makipag-boyfriend. Ang sa akin naman, kung makatagpo ako ng isang lalaking magma-match doon sa gusto ko, hindi ako puwedeng magsalita nang patapos, 'di ba?"

"Sinasabi ko lang, at this point, ayokong makipagseryosohan sa ligawan. Wala akong masabing masama about Dingdong. He's a very nice person. I can say naman na he's a good boyfriend material, pero dapat niyang malaman na mahal ko ang trabaho ko at hindi ko rin mapapabayaan ang studies ko."

"Besides, alam niyang nakapagbitaw ako ng mga salita sa parents ko, it's a promise that I have to keep also. Kaya ganito na lang tiwala ng parents ko sa akin ay sa dahilang I'm keeping my words, mapagkakatiwalaan talaga nila ako," pagtatapat pa ni Toni.

Eh, noong kumalat ang balitang mag-on na nga raw sila at inililihim lang nila, ano'ng reaction ng parents niya?

"Wala. Hindi sila agad naniwala. Hindi nga nila ako tinanong about that. Pero, ako na ang nagsabi sa kanilang walang katotohanan 'yung tsismis."

"Actually, para sa akin, hindi maganda ang dating ng balitang 'yun. Lalabas kasi riyan na bine-betray ko na ang parents ko, which I can't do. Pinagtitiwalaan na nga nila ako, tapos, 'yun pa ang igaganti ko?"

Pero, hindi na nga maiiwasan pa 'yun, lalo na't magka-loveteam sina Toni at Dingdong. Inaalagaan nang husto ng Viva ang kanilang tambalan at isa nga ang loveteam nila sa iba pang ilulunsad sa Honey, My Love, So Sweet na malamang ay i-release bago mag-summer vacation.

"In some ways, nakatulong pa 'yung nalaman ng mga tao na nililigawan na ako ni Dingdong. Hindi ko naman iniisip na baka gimmick lang. Malalaman ko rin kung ganoon, pero kung nanligaw na si Dingdong, naisip ko na noon pa sana."

"Pero, hindi naman naipipilit ang isang bagay. Katulad niyan, kung kami ang magiging mag-boyfriend, hindi rin namin basta masasagot. Time can only tell."

"Ever since, nagkakasundo na talaga kami ni Dingdong. Walang naging problema sa amin maski friends lang talaga, which we have to keep for the meantime."

"Nakikita ko siyempre ang magagandang qualities sa kanya na naisip ko rin, ano nga kaya kung siya ang maging boyfriend ko? Pero, 'yan ay wishful thinking lang muna sa ngayon. May iba pa kasi kaming priorities. Nakakatakot na maisakripisyo ang mga 'yun para pasukin lang namin ang isang relasyon, 'di ba?"

"Dito na lang muna kami sa walang problema. At saka mahirap sagutin 'yung mga tanong na puwedeng mangyari sa future. Kasi, baka hindi rin mangyari," nangingiting sambit pa ni Toni.