Make your own free website on Tripod.com


an article by Archie de Calma, Teen Movie Magazine, 18 February 1999, p. 30-31

Love is in the air lalo na sa kaso nina Dingdong Dantes at Antoinette Taus. Sigurado nang may ligawang magaganap kaya mas magandang abangan ang susunod na kabanata, kung talagang magkakatuluyan din sila bilang mag-boyfriend kung sakali.

"Pero, walang katotohanan 'yung sinagot na ako ni Toni noong nakaraang Pasko. Sana naman, 'no? Siyempre, bago malaman ng ibang tao kung ganoon nga, ang parents namin ang una naming kakausapin. May karapatan silang malaman."

"May mga salitang binitiwan si Toni sa parents niya at dapat lang na panindigan niya 'yun. Ako naman, I have to respect Toni's decisions," sey na lang ng poging binata.

Hindi pa rin pala tapos ang Honey, My Love, So Sweet dahil pinagbubuti nga raw ni Boots Plata ang pagdidirek sa pelikulang ito na maglulunsad sa career ng tatlong hottest loveteams na sinusugalan ng Viva sa pelikula.

"Nakakatakot at nakakakaba," sabi ni Dingdong tungkol sa launching movie ng kanilang loveteam. "Pero, mas lamang din ang excitement. Parang nakakasabik na sa fans na mapanood 'yung pelikula."

Nag-aaway-away na nga raw ang fans nina Antoinette at Kim delos Santos.

"Kanya-kanyang hilig 'yan sa fans, eh. Kung may gusto ang fans kay Toni at ayaw nila kay Kim, wala tayong magagawa roon. The same way na may mga maka-Kim, ayaw nila kay Toni, live and let live na lang."

"Dati nga, kami ni Kim ang pine-pair, pero decision na rin ng Viva na kami ni Toni. Masaya ako kay Toni at 'yun lang ang dahilan na alam ko why we really have to stick with each other, 'yung gusto namin 'yung loveteam."

"Sa akin naman, kung ano ang gusto ko, kust keep it to myself at mahirap naman yata 'yung magiging subject pa 'yun ng debate. Kung may gusto ka, sabihin mo rin lang, pero hindi naman kailangang makipag-away ka pa," tanging naipaliwanag na lang ni Dingdong.

Puwede rin daw na i-share ang hard feelings na 'yun sa ibang ka-close, pero hindi 'yung gagawa pa ng paraan to show it.

"Mahirap kasi 'yung nakakasakit na, 'yung nay ginagawa ka nang bagay na hindi okey. Kung salita lang, puwede mo nang palagpasin. Pero, kapag inilalagay ka sa alanganin dahil lang sa ganyan, hindi tama," makahulugang nasambit na lang ni Dingdong.

May lumalabas ngang hula na may isang young star daw ang mabubuntis. Hindi ba nakakatakot 'yun? May mga nag-iisip na baka si Antoinette 'yun.

"Kahit sino, puwedeng pagbintangang mabubuntis. Pero, malabong si Toni 'yung tinutukoy sa hula dahil kilala ko siya. Maganda ang pagpapalaki ng parents ni Toni sa kanya. Hindi naman siguro siya malalagay na lang sa ganoong sitwasyon, na basta mabubuntis. I can assure to everyone na mahirap basta mangyari kay Toni 'yun. Hindi talaga mangyayari," confident na banggit ni Dingdong tungkol sa kanyang nililigawan.

Hindi nga basta nalalaman ang mangyayari sa future pero nagsasalita si Dingdong dahil kilala niya ang pagkatao ni Toni.

"Hindi ko siya liligawan kung alam kong ganoon siya kahinang klase, 'di ba? Alam ko kasi na si Toni ang klase ng babaeng seseryosohin, liligawan talaga kaya willing akong maghintay," aniya pa.

Noon pa gustong ligawan ni Dingdong si Toni, pero noon kasi'y idinadaan lang niya sa actions.

"Nagkakaroon lang ng words dahil wala nang puwedeng gawin sa actions. Sa palagay ko, I have sent my messages clear to her kaya sinasabi ko na rin ngang nililigawan ko na siya.

"Wala akong ini-expect, na tipong one of these days, sagutin nga niya ako at umamin kaming mag-on na kami. Pero, kahit siguro ganoon ang i-expect ko, kung hindi naman 'yun ang mangyayari, wala rin. Everything has a reason."

"Kung ano'ng destiny namin, 'yun na lang ang tatanggapin ko. Basta ang concern ko lang, kung saan masaya si Toni, magiging masaya na rin ako," pagwawakas ni Dingdong.