Make your own free website on Tripod.com


an article by Nora Calderon, Teen Movie Magazine, 25 February 1999, p. 21

Pinabulaanan ni Antoinette Taus na kaya hindi siya natuloy sa TV show na Sumigaw Ka ng GMA-7 ay dahil ayaw ng Daddy niya kay Dingdong Dantes dahil ang closeness daw nila ngayon ay hindi na nito nagugustuhan.

"Tumatanggap si Daddy kahit anong project na naroon si Dingdong," sabi ni Toni. "Pero tumatanggap lang siya ng projects hanggang gusto niya. Ang naging problema lang, I've been so busy, madalas akong mag-guest sa SOP, may TGIS at Anna Karenina, may pelikula pa tapos may Eat Bulaga pa ako, rehearsals, recordings, sobrang dami ng trabaho plus pumapasok pa ako sa school twice a week, Tuesdays and Thursdays. Ayaw na ng daddy kong sumali pa ako sa Sumigaw Ka dahil ayaw niyang lagi akong puyat, pagod, baka magkasakit pa ako at saka ayaw niyang mapabayaan ko ang studies ko."

Nalungkot din daw siya na hindi siya nakasali dahil maganda rin iyong may bago siyang show, pero hindi na raw niya kaya. At nalungkot din si Dingdong na hindi siya nakasama and he's hoping na someday, magkakasama rin sila sa show