Make your own free website on Tripod.com


an article by Joey Sarmiento, Teen Movie Magazine, 18 February 1999, p. 21

Malapit na palang ipalabas ang pelikulang Honey, My Love, So Sweet.

Nakita na namin ang poster ng naturang pelikula at naka-attract agad sa aming atensiyon ang magka-loveteam na sina Antoinette Taus at Dingdong Dantes.

Paano ba naman, kung ang ibang magka-loveteam ay laging magkayakap at nagka-holding hands (na kung tutuusin ay TH na ang dating), iba naman ang dalawa.

Hindi man sila magkayakap ay makikita mo sa kanilang mga mata ang pagiging sweet at sincerity sa isa't isa.

Kaya nga marami ang kinikilig kina Tonette at Dingdong dahil iba talaga ang kanilang dating sa tao.