Make your own free website on Tripod.com


excerpts from an article by Peter Ledesma, TV Movie Special

For our cover story this week, ang ating ipi-feature ay walang iba kundi ang hottest loveteam ng Viva na sina Antoinette Taus at Dingdong Dantes.

Plano ng Viva na bigyan sila ng launching movie this year, isang drama movie na katipo noong last movie nina Bobby Andrews at Angelu de Leon. Kung handa na sila sa ganitong klase ng matured role, ay 'yan ang aming inalam kay Antoinette.

"If ever na bigyan kami ng ganyang project ng Viva e, fine with us. Siyempre, pareho kaming artista ni Dingdong, kaya whatever roles na hindi naman required 'yung mga sexy scenes, e gagawin namin."

Papaano kung may kissing scene? At hindi lang simpleng halikan kundi torrid? Tatanggapin ba nila?

"At this point, huwag na muna. Kasi, kung ako ang tatanungin mo e, talagang hindi ko pa kaya. At saka hindi rin papayag ang parents ko para sa ganyang role."

"Kung nasa tamang time na, baka. Huwag na lang muna ngayon," kulit pa sa amin ni Antoinette. Na nang tanungin namin kung sila na talaga ni Dingdong sa tunay na buhay ay bigla siyang nag-emote na si Mr. Dantes na lang ang aming tanungin. Bitin, 'no?